NIRESBAKAN ng Malakanyang ang isang Sandiganbayan Associate Justice nang sabihin nito na mananatili ang korapsyon sa gobyerno hangga’t hindi naaayos ng pamahalaan ang Commission on Audit (COA).
Sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na batid ng Malakanyang na mahalaga ang papel ng COA pero mas mahalaga aniya ang pagiging mapagmasid at mulat ng mga mamamayan para sa pagsupil sa korapsyon.
Ang pahayag ay bilang tugon ni Coloma sa pahayag ni Sandiganbayan Associate Justice Samuel Martires na magpapatuloy ang graft and corruption sa Pilipinas sa susunod na mga panahon maliban lang kung maayos ng pamahalaan ang mga problema sa COA.
Binigyang-diin ni Martires na may problema sa mismong management ng COA. Kris Jose
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment