Monday, September 1, 2014

Malakanyang, pikon na sa isyu ng FOI bill

PIKON na ang Malakanyang sa kaliwa’t kanang batikos kay Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa isyu ng Freedom of Information Bill (FOI) bill.


Binigyang-diin ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na wala silang nakikitang dahilan para sertipikahang urgent ang FOI bill dahil wala namang umiiral na emergency.


Makailang ulit na aniyang ipinaliwanag ng Malakanyang na nasa kamay na ng Kamara ang pagpasa sa FOI bill.


Nauna rito, kinastigo ni dating Manila congressman Benny Abante si pangulong Aquino dahil sa hindi nito pagsertipika sa FOI bill gayung aniya ay maituturing namang matter of national emergency ang paglaban sa korapsyon. Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang, pikon na sa isyu ng FOI bill


No comments:

Post a Comment