Monday, September 1, 2014

Kelot, tigok sa bisikleta

BASAG ang bungo ng isang 48-anyos na Nursing Aide nang mabagok ang ulo dahil sa kawalan ng kontrol sa sinasakyang bisikleta sa Port Area, Maynila.


Idineklarang dead-on-arrival sa Seaman Hospital ang biktimang si Ramil Maranio, may-asawa, Nursing Aide ng Chinese General Hospital at residente ng 2622 C. Felix Huertas St., Sta. Cruz, Manila.


Sa report ni SPO1 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 9:50 ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng Petron Gasoline Station sa Anda Cricle, Port Area, Manila.


Nabatid na nagbibisekleta ang biktima galing sa Mall of Asia (MOA) kasama ang dalawang kaibigan at papauwi na ito. Nag-overtake umano si Maranio sa isang pang nagbibisekleta saka nawalan ng kontrol at tuluyang sumemplang.


Isinugod ang biktima sa ospital subalit hindi na rin umabot nang buhay.


Nabatid na ang biktima ay may sakit sa puso at hypertension. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, tigok sa bisikleta


No comments:

Post a Comment