Thursday, September 4, 2014

Madugo ang taping pero okay lang…

EXCITED si Tom Rodriguez sa unang pagsabak niya bilang game show host sa Don’t Lose The Money. Panibagong challenge daw ito para sa kanya.


‘Yon nga lang, madugo ang taping nito. Nagsisimula ng after lunch tapos madaling-araw na napapa-pack up. ‘Yong unang taping nga ni Tom para rito, dalawang araw na magkasunod. Kaya halos walang tulog ang aktor.


Nawawalan na nga siya ng boses pero ‘yong energy niya, mataas pa rin ang level kapag nag-take na sila. Nag-i-enjoy raw kasi si Tom sa kanyang ginagawa as game show host.


“Kapag gusto mo ang ginagawa mo, hindi ka makararamdam ng pagod,” sabi pa nga niya.


Go… Tom!


Habang sige ang dating ng magagandang opportunity… do’t lose the energy!


=0=

Masaya sa kanyang pag-uwi sa bansa si Luis Gabriel Moreno, ang gold medalist sa archery ng katatapos na Youth Olympics na ginanap sa Nanjing, China. Mainit kasi ang naging pagsalubong sa kanya ng lahat.


“I felt very proud na parang people are very proud of me,” masiglang pahayag nga niya nang makausap naming matapos siyang mag-guest sa Sunday All Stars kamakailan.


“Nagulat nga ako, may fan page na ako sa Facebook pag-uwi ko, e,” sabay tawa pa ng sixteen-year old na binatilyo.


Si Luis Gabriel ay anak ni Federico Moreno (unico hijo ni German Moreno) at Shiela Magdayao (kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao).


Bakit nga ba sports at hindi showbiz o pag-aartista ang nakahiligan niya gayong apo nga siya ni Kuya Germs na naging mentor ng maraming sumikat na stars?


“Pinasok ko ‘yong archery kasi I really like the sport. I really love the sport.


“’Yong pag-aartista, I really don’t know yet. Hindi ko pa alam.


“Hindi naman sa ayaw. Hindi ko pa lang talaga alam.”


Ini-encourage ba siya ng kanyang lolo na mag-artista?


“Hindi naman sa ini-encourage. Pero supportive siya sa kung anomang pipiliin ko.”


Paano ba siya nag-train sa archery?


“Well, everyday after school. Tapos weekends.


“Natatapos ako, 4:30 pm sa school. Third year high school na ako sa La Salle Greenhills. Mga two to three hours akong nagti-training.”


Gaano katagal na siyang nagti-training?


“Pang-9th year ko na ito. Nag-start ako when I was 7-years old.” RUB IT IN/Ruben Marasigan


.. Continue: Remate.ph (source)



Madugo ang taping pero okay lang…


No comments:

Post a Comment