Thursday, September 4, 2014

Alfie Lorenzo, tinulungan ang pabagsak na regal films!

HANGGANG ngayon ay hindi pa nagkakabati sina Alfie Lorenzo at Lily Monteverde.


Kung hinihintay ni Mother Lily na lalapit sa kanya si Alfie para humingi ng sorry ay mukhang malabo dahil nitong huling makausap namin ang pamosong talent manager/showbiz columnist, masakit pa rin ang kalooban nito dahil ipinagpalit ng kilalang producer ang matagal nilang pagkakaibigan sa isang flopsinang direktor.


Marami pa namang ibang magagaling na direktor, bakit nga naman ito pang direktor na ‘to ang kinuha ni Mother eh, alam naman niyang galit dito ang kanyang matalik na kaibigan?


Well, ang balita, nagbaba raw kasi ng talent fee ang huli, ang talent fee nitong para sa dalawang movie ay babayaran lang ni Monteverde ng isa, kaya sinunggaban agad niya ito. So, malinaw na pera-pera lang ang labanan? Waley na ang utang na loob at ang magandang samahan.


Kung tutuusin, ayon kay Tito Alfie, wala pa sa kalingkingan ng sakripisyong ginawa niya at ng kanyang talent ang pautot na ito ni direk. Nagbaba sila ng triple para sa TF ni Judy Ann Santos para lamang ibangon ang palubog na noong Regal Films.


Pero nitong makabangon na ang movie outfit ay nakalimutan na raw na nito ang ginawa niya.


Ang hotel na itinayo ni Mother na matatagpuan sa Timog sa Kyusi ay malaki raw ang naging partisipasyon rito ni Tito Alfie, dahil nang ilapit at ipakilala niya si Monteverde sa mga Lopezes na malapit naman sa kanya ay dito nagsimulang makalikom ng salapi ang nasabing produ sa pamamagitan ng mga proyektong ipinapasok nito. At nung mabuntis daw ang panganay nitong anak, nandoon siya para suportahan ang kaibigan.


Maraming nagawa si Tito Alfie para sa kanyang friend na ayaw na niyang isa-isahin pa. Hindi niya sinasabi ito para ipaalala kay Mother Lily ang mga nagawa niya rito, kundi para ipamulat dito kung sino ba ang tunay na dumadamay sa kanya sa hirap?


Iyong nangyaring sagutan sa hotel during presscon ay hindi naman pala si Tito Alfie ang unang nagtaas ng boses kundi si Mother nang marinig daw nito ang salitang ‘malas’ na ang tinutukoy niya ay ‘yong direktora. Lumalabas kasi na parang sumugod doon ang beteranong manunulat upang makipag-away.


Wala sa plano niya ang awayin si Mother. Matagal na raw siyang nakikipagtsikahan sa mga reporter bago pa naganap ang ‘word war’!


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/Abe Paulite


.. Continue: Remate.ph (source)



Alfie Lorenzo, tinulungan ang pabagsak na regal films!


No comments:

Post a Comment