Thursday, September 4, 2014

Walang problema kung iba ang date ni mama!

HINDI si Shaina Magdayao kundi si Iza Calzado ang ka-date ni Piolo Pascual sa gaganaping Star Magic Ball sa Makati Shangri-La sa Sabado. Niyaya ni Papa P ang kanyang leading lady sa “Hawak Kamay” na maging ka-date sa naturang event.


Hindi naman tumanggi si Iza. Hindi siya makapaniwala na yayayain siya ng kanyang crush.


Iniintriga tuloy kung hindi ba magselos ang boyfriend ni Iza na si Ben Wintle na escort niya last year sa Star Magic Ball. Keber naman daw ng boyfriend niya sa ganyan. Foreigner daw ito at naiintindihan ang mga ganyang sitwasyon at walang selos sa katawan.


Anyway, bukod sa seryeng ‘Hawak Kamay’ kasama rin si Iza sa horror movie na Maria Leonora Teresa with Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo na showing sa September 17.


Ito’y sa direksyon ni Wenn Deramas.


-000-

Ang tanong ngayon ay kung sino naman ang ka-date ng napapabalitang ex ni Piolo na si Shaina dahil si Iza ang pinili ng guwapong aktor? Si Sam Milby kaya na nali-link sa aktres.


Wala namang isyu kay Piolo kung sakaling magkaseryosohan sina Sam at Shaina. Wala naman daw mababago sa pakikitungo nila sa isa’t isa at hindi nila ito kailangang pag-usapan. Nandoon pa rin naman daw ang respeto nila sa isa’t isa. Kung anoman daw ang diskarte ni Sam ay kanya na ‘yun. Hindi raw sila aabot sa bugbugan dahil lang sa babae.


So, walang magaganap na part 2 na suntukan sa Star Magic Ball gaya ng suntukan noon nina Coco Martin at Matteo Guidicelli dahil kay Maja Salvador, huh!


Basta friends pa rin daw ngayon sina Piolo at Shaina at hindi nasira ‘yun.


Talbog!


-0o0-

Siguro naman titigil na ang mga nang-iintriga sa ratings ng “Hawak Kamay’ na tinatampukan nina Piolo Pascual, Iza Calzado, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Andrea Brillantes, atbp.


Nakuha nito ang ikatlong puwesto sa average national TV rating na 28.1%. Naabot nito ang all-time high national TV rating na 30.4% noong Agosto 28. Pumapalo talaga ang ratings niya dahil sa magadang istorya ng serye.


Nananatiling pinakamatatag sa TV ratings ang ABS-CBN matapos itong muling manguna noong Agosto sa buong bansa. Pumalo ang average total day audience share nito sa 43%, base sa datos ng Kantar Media.


Makikita rin sa ulat ng Kantar Media na labing-isa sa 15 pinakapinanood na programa noong Agosto ay mula sa ABS-CBN. Numero uno ang Asia’s longest drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” sa buong bansa sa naturang buwan sa average national TV rating na 28.7%. Malaking tagumpay ang episode nito noong Agosto 16 tampok ang kwento ng buhay ng “The Voice Kids” champion na si Lyca Gairanod dahil sa napakataas na rating na 38.4%.


Wagi rin ang ‘master teleserye’ na “Ikaw Lamang” na pangalawa sa listahan at nagkamit ng average national TV rating na 28.4%.


Ang ilan pang Kapamilya shows sa top 15 ay ang “Wansapanataym,” (26.8%) “TV Patrol,” (26%) “Rated K,” (24.8%) “Home Sweetie Home,” (20.7%) “Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” (20.2%) “Pure Love,” (19.2%) at “Goin’ Bulilit” (18.7%). Hindi rin nagpahuli rito ang nakakaaliw na programang “Mga Kwento Ni Marc Logan” (17.6%) tuwing Sabado na kasisimula pa lang noong Agosto 9.


Kumapit naman ang mga manonood sa Big Night ng Twitter-trending reality show na “Pinoy Big Brother All In” (27.9%) noong Agosto 24.


Bongga! XPOSED/Roldan Castro


.. Continue: Remate.ph (source)



Walang problema kung iba ang date ni mama!


No comments:

Post a Comment