NANAWAGAN ang UN Security Council sa pagpapalaya sa mga Fijian UN peacekeepers na kinidnap ng mga al Qaeda-linked rebels sa Golan Heights.
Ayon kay Samantha Power, U.S. ambassador to the United Nations, kailangang lamang na palayain ang 45 Fijian peacekeepers na bahagi ng UN peacekeeping team.
Mariin nilang kinondena ang pagkidnap sa mga peacekeepers sa Golan Heights kung saan muntikan pang nadamay ang mga Pinoy Peacekeepers.
Ang mga peacekeepers ay kinidnap ng al-Nusra Front, isang al Qaeda affiliate noong nakaraang linggo. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment