Monday, September 1, 2014

OFW na pinugutan sa Libya, inuwing nasa ‘garbage bag’

UMALMA kahapon ang pamilya ng Pinoy construction worker na napatay ng mga rebelde sa Benghazi, Libya matapos makita ang labi ng kanilang kaanak na nakasilid sa itim na garbage bag.


Sa report, kumpirmado ng Department of Foreign (DFA) na dinukot at pinugutan ng ulo ang overseas Filipino worker (OFW) na si Antonio Espares noon pang Hulyo 21.


Gayunman, nitong Sabado lamang, Agosto 30, naiuwi sa Pilipinas ang bangkay.


Naiintindihan umano niyang hindi kaagad naipabatid sa kanya ng pamahalaan ang sinapit ng asawa, gayunman, hindi na dapat ang anak pa ng katrabaho ng biktima ang nagbalita nito sa kanila.


Nalaman umano nila ang nangyari noong Hulyo 20.


Ayon sa misis, mula nang sumiklab ang gulo sa Libya ay araw-araw siyang tinatawagan ng mister na siyam na buwan pa lamang nagtatrabaho sa Benghazi.


Ayon pa sa misis, lumabas ang kanyang mister sa kanilang barracks sakay ng kotse kasama ang tatlo pang katrabaho ngunit hinarang sila ng mga rebelde.


Tinanong sila kung ano ang relihiyon kung saan si Antonio lamang ang Kristiyano.


Pinaiwan umano ito ng mga rebelde at pinugutan ng ulo noong July 15.


Gayunman, mas higit umano silang nasaktan nang makita ang iniuwing bangkay na nakabalot sa garbage bag at mga tela, natatakpan ng yero at nakasilid sa kahoy na kahon.


Puno rin umano ng putik ang ulo ni Antonio at wala ang isang tainga.


May tatlong tama umano ito ng bala ng baril sa tiyan at sa nakataling mga paa.


Hindi rin umano naipaembalsamo ang bangkay.


Inirereklamo rin ng ginang na hindi pa nila natatanggap ang sahod ng asawa para sa buwan ng Hunyo at Hulyo.


Ang natanggap lamang umano nila ay ang scholarship at P15,000 livelihood assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Gayunman, hindi umano ito sasapat dahil anim sa pito nilang anak na 15-anyos ang panganay at 1-taon ang bunso ang nag-aaral.


Humingi na umano sila ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DWSD) kung saan nagtatrabaho siya bilang isang enumerator, ngunit hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanila ang DFA. Nenet L. Villafania


.. Continue: Remate.ph (source)



OFW na pinugutan sa Libya, inuwing nasa ‘garbage bag’


No comments:

Post a Comment