LABINGANIM katao ang sugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang jeep sa Sibalom River sa Iloilo kaninang umaga, Setyembre 7.
Labingdalawa sa mga nasaktan ang isinugod sa Guimbal District Hospital habang tatlo naman ang itinakbo sa Western Visayas Hospital na pawang nagtamo ng iba’t ibang pinsala sa ulo at katawan.
Isa naman sa mga biktima na nasa kritikal na kondisyon ang isinugod sa West Visayas State University Medical Center. Isinailalim ito sa CT scan at nakatakdang operahan dahil sa namuong dugo sa kanyang ulo.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:25 ng umaga sa isang tulay sa Sibalom River, Barangay 9, Tigbauan Iloilo.
Ayon kay Jose Rolly Feldam, drayber ng dyip bago ang insidente ay naputol ang dragling ng kanyang sasakyan kaya hindi na umikot ang kanyang manibela.
Ibinangga niya sa rehas na bakal ng tulay ang kanyang sasakyan pero hindi nito kinaya kaya bumulusok sila sa ilog mula sa tulay.
Sinabi ni Police S/Insp. Dianilo Hipana, hepe ng Tigabauan Municipal Police Station, kasong reckless imprudence resulting to multiple serious physical injuries ang isasampa laban kay Feldam.
Handa naman ang operator ng nasabing sasakyan na si Teofe Feldad kapatid ni Rolly na magbigay ng tulong sa mga biktima. Robert Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment