SINISI ng isang economist ang paglala ng trpiko ang pangunahing dahilan sa pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa pagtataya, aabot sa P2.7-billion kada araw ang nawawala sa ekonomiya dahil sa problema ng traffic sa bansa.
Ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), kasama ang bayad sa fuel, vehicle operating costs, epekto sa kalusugan, at greenhouse gas emissions ang naaapektuhan sa araw-araw na traffic.
Ayon kay Prof. Benjamin Diokno, isang Economist, kailangang maresolba ang problema sa traffic sa Metro Manila Area sa pamamagitan ng pag-divert ng ibang shipment sa ibang pier.
Dapat may scheduling din kung sino ang papasok sa mga pier imbes na nakapila sa kalsada ang mga truck na nakadadagdag pa ng traffic.
Maliban dito, malaki rin umano ang epekto sa matinding traffic ang 25 porsyentong karagdagang sasakyan sa bansa kada taon gayong wala namang bagong kalsada na ginagawa.
Gayunman, aabutin umano ng dalawa hanggang tatlong taon para masolusyunan ang nasabing problema.
Maalalang kahapon ay aabot sa siyam na kilometro ang haba ng mga sasakyang na-traffic sa Metro Manila palabas ng Bulacan at mag-aalas-10 na ng gabi nang umiksi hanggang sa dalawang kilometro ang traffic.
Kung hindi umano masosolusyunan ang problema sa traffic ay maaring aabot pa sa P6-billion ang mawawala sa ekonomiya ng Pilipinas kada araw sa taong 2030. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment