Friday, September 5, 2014

2 LPA, lalabas sa PAR pero posibleng maging bagyo

MAY posiblidad na maging ganap na bagyo ang dalawang low pressure area (LPA) habang palabas ng PAR.


Ayon sa ulat ng PAGASA, kahit maging bagyo, ito’y palayo na o palabas na sa ating Philippine area of responsibility (PAR). Binabantayan pa rin ng PAGASA ang dalawang low pressure area (LPA) sa West PH Sea at sa Silangan ng bansa.


Huling namataan ang isang LPA sa layong 370 kilometro kanluran ng Subic, Zambales habang ang isa pa ay nasa 610 kilometro silangan ng Basco, Batanes.


Dahil sa hinihilang Habagat ng LPA, asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Western Visayas, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.


Pulo-pulong pag-ulan at pagkidlat-pagkulog pa rin ang aasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa lalo na sa hapon o gabi.


Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybayin sa bansa, lalo’t mahina pa ang Habagat. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



2 LPA, lalabas sa PAR pero posibleng maging bagyo


No comments:

Post a Comment