MULI na namang nagsisikip sa daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEx) southbound, ngayong Sabado.
Nabatid na alas-4:00 ng umaga nang nagsimulang magkaroon ng pila sa expressway mula Balintawak at umabot na ito hanggang dalawang kilometro.
Samantala, bandang alas-6:00 ng umaga, kalahating kilometro na lamang ay aabot na ang dulo nito sa mismong Balintawak toll plaza ng NLEx.
Ang pansamantalang solusyon, magbubukas ng isang counterflow lane sa NLEx northbound. Inalis na ang mga concrete barrier sa bahagi ng Camachile para rito.
Sa mga bibiyahe pang sasakyan papasok ng Maynila, inaabisuhan ang mga itong gamitin na lamang exit point ang Mindanao Avenue.
Biyernes ng umabot sa siyam na kilometro o hanggang Meycauayan, Bulacan ang traffic buildup sa NLEx.
Kani-kanyang turuan ang mga ahensya ng pamahalaan kung sino ang dapat sisihin sa insidente.
Ilan sa itinurong sanhi ng trapik ay ang mga port congestion; one truck policy lane; re-routing sa Caloocan; maling diskarte sa pagmamando ng daloy ng trapiko; at ilang construction work sa mga apektadong lansangan. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment