NAGKATENSYON sa labas ng Malolos Regional Trial Court (RTC) nang magkaharap ang mga tagasuporta at kritiko ni retired M/Gen. Jovito Palparan.
Halos ilang metro lang ang pagitan ng magkabilang kampo, kaya naging maanghang ang palitan ng mga salita.
May mga ilang nag-aaklas ang may initsang mga bagay habang si Palparan ay dumaan sa kanilang harapan na may mga police escorts.
Ang protesta ay kasunod ng pagsalang ngayong araw ni Palparan sa pre-trial ng kanyang kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng mga aktibistang sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno.
Sa pagharap naman ng retiradong heneral, hiniling ng kanyang kampo, sa pamamagitan ni Atty. Narzal Mallares, na ilipat na si Palparan sa isang military detention facility.
Giit ng panig nito, kahit sa loob ng piitan ay nananatili ang banta sa buhay ng kanyang kliyente. Robert Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment