Monday, September 1, 2014

Papua New Guinea nat’l, kalaboso sa pagwawala

PATONG-PATONG na kaso ang haharapin ng isang Papua New Guinea national matapos magwala at manapak sa burger stand sa Valenzuela City, Linggo ng madaling-araw, Agosto 31.


Nahaharap sa mga kasong slight physical injuty, unjust vexation at alarm and scandal si Eric Walap, 20, medicine student sa Fatima University at residente ng Unit 302 55 Fini Homes, Ramon Delfin St., Marulas.


Sa reklamo ni Heizrough Dojino, 27, alas-2:30 ng madaling-araw habang kumakain siya sa burger stand sa McArthur highway, Marulas ng lungsod ay dumating ang suspek kasama ang hindi pa kilalang lalaki na kapwa naka-inom.


Sinabihan ng suspek ang mga kumakain na “Your Fucking Filipino” bago binigwasan ang biktima kung saan nang magbalik ang wisyo ng huli ay tumakbo at nakahingi ng tulong sa mga tanod.


Nang respondehan ay nagwala na ng husto ang suspek sabay sabing “No Police, No barangay for me”.


Pinagtulungan na ng mga tanod na madakip at madala sa presinto ang suspek bago sinampahan ng mga nasabing kaso. Rene Manahan


.. Continue: Remate.ph (source)



Papua New Guinea nat’l, kalaboso sa pagwawala


No comments:

Post a Comment