KINUMPIRMA ng National Bureau of Inveatigation (NBI) na nakalaya na si dating presidential candidate Atty. Ely Pamatong, dalawang araw matapos itong maaresto sa Ninoy Aquio International Airport Terminal-3 noong nakalipas na Miyerkules , mula sa Cagayan de Oro City.
Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, batay aniya sa ipinarating na ulat sa kanya ng Anti-Organized Crime Division (AOCD) ng NBI, ito’y matapos magpalabas ng release order ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) kay Pamatong.
Nagpiyansa rin umano ng P14,000 si Pamatong para sa kanyang kalayaan.
Si Pamatong ay naaresto ng NBI subalit wala itong kaugnayan sa pagkakaaresto ng tatlo pang miyembro mg USAFFE sa NAIA Terminal-3 na nahulihan ng mga pampasabog kundi hinggil sa kasong maliscious mischief dahil sa pagpapakalat ng spikes sa EDSA na nakaperwisyo sa mga sasakyan at motorista at kasong may kaugnayan sa mga baril na narekober sa kanyang bahay sa Laguna.
Binisita rin ni Pamatong ang tatlo sa NBI detencion facility bago ito tuluyang lumisan sa NBI headquarters. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment