Friday, September 5, 2014

W. Africa nasa crisis alert level 2 dahil sa Ebola – DFA

PATULOY na pinag-iingat ng pamahalaan ang mga Pinoy dahil sa pananalasa ng sakit na Ebola virus sa West Africa.


Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Charles Jose, nasa crisis alert level 2 ang West Africa dahil sa banta ng nakakamatay na Ebola virus.


Dapat umanong mag-ingat ang mga OFWs sa Sierra Leone, Guinea, Liberia at Nigeria at sundin ang tamang paglinis sa katawan at sumunod sa utos ng mga health authorities.


Sinabi pa ni Jose na kaya nila hindi pa tinaasan ang crisis alert level sa nasabing lugar ay dahil sa ang mga OFW ay malayo ang kanilang tinitirahan sa mga apektadong lugar.


Batay sa ulat, aabot sa 2,800 mga pinoy ang naninirahan sa West Africa habang may 1,179 ang nasa Sierra Leone, at 642 sa Liberia kasama na ang mga peacekeepers. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



W. Africa nasa crisis alert level 2 dahil sa Ebola – DFA


No comments:

Post a Comment