Monday, September 1, 2014

Andre and Kobe Paras, nagbalik-Bubble Gang

NAKATUTUWA namang panoorin ang dalawang sikat na anak nina Benjie Paras at Jackie Forster na nagmamana sa kanilang parents sa pagpasok sa showbiz. Kahit pa sabihing ang forte talaga nang dalawa ay ang basketball.


Muli namang napanood noong Friday sina Andre at Kobe Paras sa Bubble Gang. Dito’y tamang exposure at roles din ang ibinigay ng BG sa kanilang dalawa.


Busy si Andre ngayon sa soap na The Twin Sisters bilang partner ni Barbie Forteza. May nakikita kaming chemistry sa dalawa. Kahit pa sabihing super tangkad ni Andre kay Barbie.


Dahil parehong beautiful faces ang dalawa, may nakikita kaming kilig factor sa kanilang tambalan.


Si Kobe naman ay tuluy-tuloy ang paglabas sa international basketball. Katatapos lang niyang lumaban sa under-18 FIBA Games. Kahit naging 5th place lang ang Pilipinas sa tournament na ito.


Parang kapag walang laro si Kobe, sinisingit niya ang pag-appear sa Bubble Gang.


Magmamana marahil ang dalawang bata sa kanilang ama na magaling magpatawa. ON THE SET/Noel Asinas


.. Continue: Remate.ph (source)



Andre and Kobe Paras, nagbalik-Bubble Gang


No comments:

Post a Comment