Monday, September 1, 2014

Derek Ramsay, lasenggero’t babaero

HINDI sana makaapekto sa maganda at wholesome image ni Derek Ramsay ang mga naging pahayag ng kanyang extranged wife na si Mary Christine Jolly tungkol sa tunay na dahilan kung bakit ito nagsampa ng reklamo sa actor.


Ang kasong isinampa ng extranged wife ay paglabag ni Derek sa Republic Act No. 9262 o ang tinatawag na Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa Makati Prosecutor’s office.


Ayon kay Mary Christine, mag-isa niyang pinalaki ang kanilang anak ni Derek na wala man lang daw binigay na suporta ang actor sa anak?


Inamin naman ng extranged wife na siya ang nang-iwan kay Derek dahil noon daw nagsasama sila ay madalas daw umuwi ang actor na lasing at nalaman din daw niya na nakikipag-date pa ito sa ibang babae.


Gusto lang daw ni Mary Christine, ang nararapat sa kanilang anak dahil obligasyon daw ng actor na magbigay ng suporta.


Na-offend daw si Mary Christine nang husto nang sabihin daw ni Derek na gusto raw niyang gawin human ATM ang actor.


Samantalang sa isang interview kay Derek ay nasabi ng actor na hindi ito nagkulang ng suporta sa anak.


000

Ginulat ni Sharon Cuneta ang showbiz industry sa post niya last Friday night sa kanyang Twitter at Facebook accounts na nakasaad ang mga katagang, ”Sharon Cuneta is no longer with TV 5”


Kasama nito ang caption na “I’m going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think! So keep watching out for those clues. Goodnight, everyone! Sweet dreams and May God bless you always! In the meantime, I leave you with this Big announcement.”


Kamakalawa naman ay nagbigay ng official statement ang TV 5. It read: “TV 5 wishes to extend its gratitude to Ms. Sharon Cuneta for being a part of the Kapatid network for three years. The network wishes her well in all her future endeavours.”


Natural ang susunod na tanong ng masa lalo nang kanyang fans ay kung saang istasyon siya lilipat. Babalik ba ang Megastar sa ABS CBN? Or bagong istasyon naman ang kanyang susubukan – ang GMA 7? Pwede ring maging freelancer na lang siya?


Ang sigurado sa pag-alis ni Shawie sa TV 5 ay pagtigil na rin ng sitcom nila ni Richard Gomez. We heard, nakapag-taping na sila Sharon at Goma ng kanilang sitcom pero bigla nga natigil na kinumpirma ni Elizabeth Oropesa na kasama sana nila sa sitcom.


Sa paglayas ni Sharon sa TV 5, siguradong wala nang pag-asang matuloy pa ang sitcom nila ni Goma sa Kapatid Network. Mabuti na lang may ibang project na ginagawa rin si Goma sa TV 5, ang Quiet Please, Bawal ang Maingay! TEKA MUNA/Gerry Ocampo


.. Continue: Remate.ph (source)



Derek Ramsay, lasenggero’t babaero


No comments:

Post a Comment