HINDI na makatatanggap ng kanyang sweldo bilang senador si Sen. Juan Ponce Enrile sa loob ng 90-araw mula Setyembre 1, 2014, kasunod ng preventive suspension order na ipatutupad ng Senado mula sa Sandiganbayan.
Ayon kay Senate Pres. Franklin Drilon, hindi na rin muna makapaghahain si Enrile ng mga panuklang batas at makapipirma sa anomang committee report bilang bahagi ng suspensyon.
Samantala, nilinaw nito na hindi apektado ng suspension order ang mga empleyado sa tanggpan ng senador.
“In fact, these are employees of the Senate. Ang mga empleyado, empleyado ng Senado, at sa kanila naka-detail. ‘Iyong co-terminus, empleyado ng Senado ‘yan. Hindi empleyadong personal ng mga senador,” giit pa ng lider ng Senado.
Si Enrile, kasama sina Sen. Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay kinasuhan ng ‘plunder’ ng Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam. Linda Bohol
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment