MULING nag-alboruto ang bulkang Mayon matapos makapagtala ng isang volcanic earthquake sa paligid nito kaninang umaga, Setyembre 6, Sabado.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), itinaas na sa alert level 2 ang paligid ng bulkang Mayon at malaki ang posibilidad ng pagputok ng bulkan.
Pinapayuhan naman ng Phivolcs ang publiko na maging mapagbantay at iwasan pumasok sa 6 km-radius Permanent Danger Zone (PDZ) upang makaiwas sa pagsabok at pagguho ng bato at landslide mula sa taas ng bulkan.
Patuloy ang mahigpit na pagmo-monitor ng ahensya sa kondisyon ng bulkang Mayon na itinuruting na isang active volcano. Santi Celario
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment