Monday, September 1, 2014

Waiting time sa pagsakay sa MRT paikliin – Bam

NANAWAGAN ang bagitong solon sa kaukulang mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor na magtulungan para mapaikli ang ‘waiting time’ ng MRT-3 sa 10-minuto mula 40-minuto.


Apela ni Sen. Bam Aquino matapos mabatid na mababawasan ng 75% ang paghihintay ng communters bago makasakay sa tren kapag naipatupad ang rehabilitation plan ng MRT-3 na aabot sa P6.8-billion.


“Magtrabaho tayong lahat upang maabot ang 10-minutong waiting time na ito. Utang natin sa libu-libong commuters na pagaanin ang kanilang biyahe araw-araw,” aniya, sa pagdinig ng Senate committee on public services kaugnay sa magkakasunod na kapalpakan ng MRT-3.


Dismayado din ang solon na aabot sa 2 taon ang rehabilitation plan ng MRT-3 dahil sa sigalot sa pagitan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at Metro Rail Transit Corporation (MRTC).


Tinawag ng solon na ang Metro Rail Transit-3 na isang bigong public-private partnership (PPP).


“Hindi magandang halimbawa itong PPP, itong nangyari sa MRT,” giit ni Aquino.


Pinayuhan din nito ang DOTC na matuto na sa naging karanasan sa MRT-3 sa mga darating na PPP upang makaiwas na sa problema.


Nanawagan din ang solon sa transportation officials na maagang paglaanan ang maintenance fund sa pagsasaayos sa mahalagang bahagi na madalas nagiging ugat ng aberya sa MRT-3.


Tinukoy ng DOTC na ang traction motors ng mga tren ang pinagmumulan ng problema ng MRT dahil naabot na nito ang limit na 1.5-million kilometers.


Napansin ni Aquino sa presentasyon na ang P94,500,000 pondo na kailangan para ito’y palitan ay nakalinya pa sa 2016 budget.


“Kung ito ang dahilan kung bakit tumitirik ang mga tren natin, bakit hindi ito naisama sa budget noong nakaraang taon?” aniya.


Sinabi naman ni Abaya na hiniling na nila sa Department of Budget and Management (DBM) na isama ang nasabing pondo sa supplemental budget para sa 2014.


“Kung hindi matagumpay, isasama ito sa budget ng 2015,” garantiya ni Abaya. Linda Bohol


.. Continue: Remate.ph (source)



Waiting time sa pagsakay sa MRT paikliin – Bam


No comments:

Post a Comment