Wednesday, September 3, 2014

US journalist bagong biktima ng pamumugot sa Syria

IPINAGMAMALAKI ng rebeldeng grupo ang hayagang pagpugot sa ulo ng bagong US journalist sa Syria.


Inilabas ng mga rebeldeng grupo sa Syria ang video sa karumal-dumal na pagpugot sa journalist na si Steven Sotloff.


Nabatid na ang 31-anyos na si Sotloff ay dinukot ng mga rebelde sa Syria noong 2013 at nang lumabas ang video ng pamumugot sa isang US journlist na si James Foley noong nakaraang buwan ay umapela ang ina ni Sotloff sa Islamic State leader na si Abu Bakr al-Baghdadai ngunit nahuli na ito.


Makikita sa dalawa’t kalahating minutong video na may titulong “A second Message to America”, si Sotlof na naka-orange na damit, at ang banta ng rebelde na may mangyayaring masama sa mga bihag nilang Briton.


Kasalukuyan pang iniimbestigahan ni White House spokesman Josh Earnest ang ulat at pinag-aaralan ang mensahe. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



US journalist bagong biktima ng pamumugot sa Syria


No comments:

Post a Comment