MALIIT na ang posibilidad na maging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) na papalapit sa bansa.
Batay sa ulat, huling namataan ang bagyo sa layong 350 km silangan ng Baler, Aurora.
Ayon sa PAGASA, naging mahina na ang LPA kaya posible itong malusaw.
Samantala, ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Kabikulan at Kabisayaan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa hapon o gabi.
Mahina hanggang katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa Luzon at Kabisayaan at mula naman sa timog-kanluran hanggang sa kanluran sa Mindanao.
Ang mga baybaying-dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment