SIYAM na ang patay matapos matagpuan ang katawan ng anim pang pasahero mula sa lumubog na MV Maharlika II sa isinagawang search and retrieval operation ng Philippine Coast Guard (PCG) kaninang hapon.
Kabilang dito ang tatlong babae na ang isa ay tinatayang nasa edad na 3 taon pataas at dalawang lalaki.
Una nang iniulat na tatlo ang natagpuang patay at tatlo rin ang missing subalit sa pagpapatuloy ng search and rescue operation ay natagpuan pa ang nasabing mga bangkay na napadpad sa baybayin ng Surigao City.
Matatandaan na lumubog ang MV Maharlika II noong Sabado ng gabi sa karagatan ng San Ricardo, Southern, Leyte nang hambalusin ng malakas at malalaking alon.
Nailigtas naman ang mahigit 108 pasahero nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment