Monday, September 15, 2014

Piyansa kina Cedric Lee at Deniece kinatigan ng korte

KINATIGAN ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) ang hirit nila Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz na makapaglagak ng piyansa kapalit ng kanilang pansamantalang kalayaan hinggil sa isinampang kaso sa kanila ng TV Host/Actor Comedienne Vhong Navarro na Serious Illegal Detention kahapon.


Batay sa 72-pahinang desisyon ni Judge Paz Esperanza Cortes ng Taguig City RTC Branch 271, nabigo ang prosekusyon na patunayang nagkaroon ng serious illegal detention hinggil sa kaso ni Navarro kung saan sa kabila nito ay itinuturing na non-bailable offense ang kinakaharap na kaso ng mga suspek.


Nabatid na pansamantalang makakalaya ang mga akusado kung makakapagbayad sila ng halagang P500,000 na inirekomenda sa kanila.


Ayon sa abogado ni Cornejo na si Atty. Axel Gonzales, hindi pa nila batid kung kailan makakapaglagak ng piyansa ang kaniyang kliyente gayundin sina Lee ngunit tiniyak nito na masaya ang kanilang kampo dahil kahit paano ay napagbigyan sila na makapaglagak ng kanilang piyansa na matagal na nilang inihirit sa korte.


Samantala, dismayado naman ang kampo ni Navarro sa inilabas na resolusyon ng korte ngunit napag-alaman na plano nilang maghain ng motion for reconsideration. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Piyansa kina Cedric Lee at Deniece kinatigan ng korte


No comments:

Post a Comment