Friday, September 5, 2014

UNAHIN ANG INTERES NG BANSA BAGO ANG SA DAYUHAN

KAUGNAY ng nagaganap na palitan ng akusasyon sa pagitan ng kumander ng United Nations peacekeeping force at ng Philippine contingent sa Golan Heights ukol sa hindi pagsuko ng armas ng huli sa mga nagtangkang sumakop sa kanila na mga rebeldentg Syrian, naisip natin ang isang batas.


Kung may conflict o hindi na pagtutugma ng international na batas at lokal na batas, dapat na panaigin ang lokal.


Syempre pa, may kokontra rito.


Pero kung ako ang gobyerno ng Pilipinas, parekoy, ipaggigiitan ko na tama ang ginawa ng mga Pinoy na hindi magsuko ng armas at lumaban hanggang wakas.


Sabi ng kumander ng UN, duwag at hindi propesyunal ang mga Pinoy sa kanilang ginawang hindi pagsuko ng armas, pakikipaglaban sa mga rebelde na lumusob sa kanila at pagtakas at pag-abandona sa kanilang posisyon sa huli.


Inilagay pa umano ng mga Pinoy sa alanganin ang buhay ng mga tropang Fiji na naunang inatake. Dinisarmahan at ibinilanggo hanggang sa ngayon ng mga rebelde.


At kinampihan naman ng mismong UN ang posisyon ng kumander na isang Indian national at heneral.


Gaya ng nasa natin kanina, ang pambansang interes ng Pilipinas ang dapat na manaig sa oras na hindi na magtugma ang isang batas na dayuhan sa ating batas.


Isa pa, inisyuhan ang mga peacekeeping force ng armas para ipakita sa mundo na hindi sila dapat na daigin ng kung sino-sinong mga armado sa lugar na kanilang binabantayan at upang maipatupad nila ang kanilang gawain nang buong katatagan.


Ang pagtakas naman ay hindi karuwagan kundi bahagi ng taktika para maiwasang masakerin ka ng higit na malakas na kalaban.


King-ina, ano nga ang magagawa ng 71 peacekeeper sa paglusob ng libo-libong pwersa ng kalaban?


Kung magpapakita ang UN ng kahinaan sa harap ng mga banta at pananakot ng mga sumisira sa kapayapaan at magandang pakikipagkapwa ng mga bansa sa isa’t isa, anong silbi pa nga nito?


Philippine contingent, sinasaluduhan namin kayo. BURDADO/Jun Briones


.. Continue: Remate.ph (source)



UNAHIN ANG INTERES NG BANSA BAGO ANG SA DAYUHAN


No comments:

Post a Comment