Sunday, September 7, 2014

Tambalang Binay-Pangilinan sa 2016, tanggap ng Palasyo

NAGING katanggap-tanggap sa MalacaƱang ang plano ni Vice-President Jejomar Binay na kunin bilang vice presidential runningmate ang business tycoon na si Manuel V. Pangilinan sa darating na 2016 presidential elections.


Ayon kay Commmunication Secretary Herminio Coloma, iginagalang nila ang naging pahayag ng pangalawang pangulo at walang problema rito.


Inihayag ni Binay sa isang panayam na nais nitong i-tap si Pangilinan at kinumpirmang nakausap na niya ito para tumakbo sa darating na halalan.


Una rito, hayagang sinabi ni Binay ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2016 polls.


Malamig si telecommunications and media tycoon Manuel V. Pangilinan (MVP) sa mungkahi na pasukin niya ang mundo ng politika.


Ito’y kasunod ng pahayag ni VP Binay na nais nitong maging ka-tandem sa darating na 2016 presidential elections ang negosyante.


Ayon kay Binay, nais niyang maging vice presidential runningmate si Pangilinan dahil sa kanyang magandang track record sa negosyo at malaki ang maitutulong nito para sa mas pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.


Si Pangilinan ang chief executive ng Hong Kong-listed First Pacific na nagmamay-ari ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), TV5, Manila Electric Co. (Meralco) at chairman ng Philex Mining Corp. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Tambalang Binay-Pangilinan sa 2016, tanggap ng Palasyo


No comments:

Post a Comment