DAHIL sa isinusulong ng mga guro sa P10,000 umento sa sahod, idineklara ang Oktubre 6 bilang National Day of Protest at World Teachers’ Day.
Ayon kay Teacher’s Dignity Coalition (TDC) national chairperson Benjo Basas, ang deklarasyon ng National Day of Protest ay isa lamang sa mga aktibidad na inihahanda ng mga guro na sinimulan noong Biyernes.
Aasahan umanong tatagal ito ng isang buwan.
Plano naman ng mga guro na ilatag ang mga usapin sa sahod, K-12 program, benepisyo at iba pa sa mga mambabatas.
Maliban sa day of protest, magpapatupad din ang mga guro ng forum, flash mobs, petition signing, play production, selfie/social media protests, community meetings laban sa K-12, poster making contests at iba pa. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment