Monday, September 1, 2014

PINDOT-LAPIROT-DAKMA NG PDAF, DAP AT IRA LOVERS

PARA makatulong ang mga kababaihang Hapones laban sa malalang pagkalat ng Human Immuno Virus-Acquired Immunity-Disease Syndrome sa kanilang bansa, naglunsad sila ng 24-oras na pindot-lapirot-dakma sa kanilang boobs kapalit ng donasyon laban sa nasabing sakit.


Siyam na naggagandahang propesyunal na artista sa pornograpiya o sex video ang nagsagawa nito sa Tokyo City, Japan sa tulong o gabay ng Japan Foundation for AIDS Prevention at pang-12 na ito simula pa noong 2003.


Sa rami ng sumaling kalalakihan na umabot sa 6,000 sa loob lang ng 15 oras, nakaipon na ang grupo ng nasa $50,000 na donasyon para sa kapakanan ng mga natamaan na ng sakit.


Magsimula kang pumindot-lumapirot-dumakma, parekoy, mula sa una hanggang sa ika-siyam at naroon sa huli ang donation bag na paghuhulugan mo ng iyong donasyon.


Pwede ring isa o dalawa lang ang gawan mo ng kilig at magbigay ka na.


May mga kumontra sa proyektong ito pero hindi umubra at itinuloy ito at dinumog nga ng libo-libo katao, kabilang na ang ilang kababaihan.


Paano kaya kung isagawa naman ito sa Pinas, parekoy?


Kung isasagawa ito sa Pinas, mungkahi nating unahin nating sumali ang mga taga-Palasyo, Kamara, Senado na kalalakihan.


Bakit? Sa laki ba naman ng kinikita ng mga ito mula sa pork barrel, dapat silang magbigay naman kaysa ipagbubulsa lang ang mga ito.


Diyan lang sa P10-bilyong Disbursement Acceleration Program, may king-inang isang senador umano ang nakakorner ng P1B.


Magtanong na lang kayo sa Senado, parekoy, kung sino ito.


Pasalihin din natin ang mga kalalakihang gobernador, bise gobernador, bokal, mayor at konsehal na lumalantak sa halos P400-bilyong internal revenue allotment (P389B para sa 2015).


Malayong mas maganda siguro ito dahil mas marami ang sasali kaysa ice water bucket challenge na sinasalihan lang ng iilang opisyal ng gobyerno.


King-ina, pampasikat lang din ang layunin ng mga ito at hindi talaga para sa paglilingkod sa mga maysakit.


O game na! BURDADO/Jun Briones


.. Continue: Remate.ph (source)



PINDOT-LAPIROT-DAKMA NG PDAF, DAP AT IRA LOVERS


No comments:

Post a Comment