Sunday, September 7, 2014

Paslit, hinalay saka pinatay sa Maynila

HINIHINALANG ginasa bago pinatay sa saksak ang isang 7-taong-gulang na paslit na natagpuang patay at hubo’t hubad sa palikuran sa Pandacan, Maynila kaninang umaga, Setyembre 7.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa likod ng CR ng isang bahay malapit sa kanilang inuupahang bahay sa Quirino Highway, Barangay 845.


Huli umanong nakitang buhay ang paslit na naglalaro alas-7 kagabi sa harap ng kanilang tahanan.


Alas-8 nang hanapin ito ng kanyang mga kaanak dahil nawawala na ito.


Ayon sa ama ng biktima, ini-report nila ito sa barangay at inabot sila ng hatinggabi sa paghahanap ngunit hindi nila ito matagpuan.


Kinaumagahan ay isang residente ang nagsabi sa magulang ng biktima na may natagpuang batang patay sa likod ng nasabing palikuran.


Tadtad ng saksak ang biktima at walang saplot at may indikasyon na ginahasa bago pinatay.


Sa ngayon ay hawak ng pulisya ang limang lalaki at sumasailalim sa imbestigasyon dahil nakita ang mga ito malapit sa lugar, ayon na rin sa kuha ng CCTV.


Isa pang lalaki ang nakita rin sa CCTV na paalis mula sa crime scene pasado hatinggabi.


Nakita rin sa footage na nakitang naglalaro ang bata dakong 8:00 ng gabi at alas-9:30 naman ay nakitang naghahanap ang kanyang mga kaanak. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



Paslit, hinalay saka pinatay sa Maynila


No comments:

Post a Comment