Wednesday, September 3, 2014

P3,500 entrance fee sa casino, kulang — CBCP

HINDI kuntento at minaliit lamang ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang isang panukalang batas na magpapataw ng mataas na entrance fee sa mga casino sa bansa.


Ayon kay Cruz, napakaliit ng halagang P3,500 na entrance fee para sa casino.


Sinabi ng arsobispo na daan-daang libo at milyun-milyong piso ang perang hawak ng mga nagsusugal sa mga casino kaya’t tiyak na barya lamang sa kanila ang P3,500 na entrance fee dito.


Hinamon pa ng arsobispo ang pamahalaan na kung talagang seryoso ito na alisin ang mga casino at pasugalan sa bansa, ay itaas nito ng 10 hanggang 25-beses ang entrance fee.


Naniniwala si Cruz na pakitang-tao lamang ng Malacañang ang panukalang batas upang masabi na mayroon silang nagagawa upang masawata ang sugal sa bansa.


“It is better than nothing, pero if I think somebody else should find file a 10 times o 25 times over that amount because the amount is ridiculous compare to the money that goes in and out of the casino. Itong P3,500 that is zero compared to those who go to casino,” ani Cruz, na dating pangulo ng maimpluwensyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa panayam ng church-run Radio Veritas.


“Meaning to say ‘yung entrance fee kuno na ayun ay isang malaking pakitang-tao na unang-una na hindi papansinin ng mga sindikato na milyunaryo na karaniwang nagka-casino. Lalu na ‘yung mga sabungero na galing sa ibang bansa na kapag foreign currency ang ibinayad nila.”


Iginiit rin naman ni Cruz na ang problema ay napakalaki ng kasamaan na dinadala ng casino sa bansa dahil dito kasi aniya ay nagkakaroon ng gambling addict na ang buhay ay para na lamang sa casino mula umaga hanggang gabi.


Ang casino rin aniya ang dahil kung bakit nasisira ang kabuhayan at pamilya ng isang tao at nauubos ang pera nila, at nasasangkot pa ang mga nagsusugal dito sa dishonesty.


Binigyang-diin pa ni Cruz na wala namang nanalo sa sugal sa casino. “Kung mananalo ka minsan, dalawa, pero mas matatalo ka ng maraming beses.”


“Ang solution tanggalin ‘yan! Bakit ‘yan na ba ang gagawing hanapbuhay? Sa Las Vegas nagsasara na ang mga casino kasi natuto na ang mga tao na wala silang napala kaya unti-unti ang Las Vegas nagiging theater show na umaalis sa Las Vegas at pumupunta naman dito. At natutuwa ang Malakanyang at dito napupunta ang mga gambling Lords,” ani Cruz.


Nauna rito, isinusulong sa Kongreso ni Misamis Oriental Rep. Peter Unabia ang pagtatakda ng P3,500 na entrance fee sa mga casino. Macs Borja


.. Continue: Remate.ph (source)



P3,500 entrance fee sa casino, kulang — CBCP


No comments:

Post a Comment