Wednesday, September 3, 2014

Brandon “The Truth” Vera, headline sa Dec. 5 One FC Card

ITATAMPOk sa darating na Disyembre 5 sa SM Mall of Asia Arena para sa year-end event ang pagbabalik ng pinakapopular na mixed martial artists, ang half Pinoy at half American na si Brandon “The Truth” Vera.


Unang nakilala si Vera bilang isa sa pinakamapanganib na big men sa MMA. Ang kanyang tapang at lupit sa Muay Thai ay tinitingala at kinatatakutan noong naglalaro pa siya sa Ultimate Fighting Championship.


Sa mabibigat niyang mga suntok at nakagigitlang mga sipa, iniilagan siya ng ilang mga kasagupang nakaharap na niya.


Ngayong nakalagda na siya sa higanteng MMA sa Asya, ang ONE FC, magbabalik si Vera sa Manila, ang lupang sinilangan upang makapagbigay ng karangalan at malaking pangalan at hangaan ng Pinoy fans.


May dugong Italyano rin si Vera at ang pagmamahal at hilig niya sa sport ay sasamahan niya ng pagsusuot ng tatak bandila ng Pililpinas.


Dating US Air Force wrestling team, napakahusay niya sa wrestling, Muay Thai at Brazilian Jiu-Jitsu kung kaya kumpleto na siyang fighter at tiyak na dodominahin ang heavyweight fighting.


Ang kanyang tattoo sa likuran ay nakasulat sa Pinoy calligraphy na ibig-sabihin ay lupa, hangin, apoy at tubig. Tulad ng sinaunang markadong iyon, katulad niya ang apat na kalikasang iyan sa sandali ng pag-akyat niya sa ONE FC cage ngayong Disyembre laban sa kasagupang hindi pa inaanunsyo. Rico Navarro


.. Continue: Remate.ph (source)



Brandon “The Truth” Vera, headline sa Dec. 5 One FC Card


No comments:

Post a Comment