Thursday, September 4, 2014

Namatay sa ebola virus sa W. Africa, nasa 1,990

LUMOBO na sa 1,990 sa kabuuang 3,500 katao na nahawaan ng ebola virus ang namatay sa Liberia, Guinea, Sierra Leone at Nigeria mula nang nag-umpisa ang pag-document dito noong Disyembre.


Ito ang bagong bilang na inilabas ng World Health Organization (WHO).


Ayon kay WHO Director General Dr. Margaret Chan, mayroon ding magilan-ngilan na unrelated outbreak sa Congo at isang kumpirmadong kaso sa Senegal.


Kaugnay nito. muling umapela ng tulong ang WHO sa international community sa laban kontra Ebola virus.


Ito’y matapos na umakyat pa sa halos 2,000 ang patay sa outbreak ng virus sa Africa.


Sinabi ni Chan na “global threat” ang Ebola outbreak.


Bagama’t hindi sapat ang ginagawa ng international community para masugpo ang epidemya, masigasig namang tumutulong ang Amerika lalo na ang Centers for Disease Control and Prevention.


Ayon kay UN envoy for ebola Dr. David Nabarro, mabilis ang pagkalat ng virus dahil hindi na nadadala sa treatment centers ang mga biktima bunsod ng kakulangan ng medical personnel at mga supplies.


Inihayag ni Centers for Disease Control director Dr. Tom Freiden, hindi na makontrol ang outbreak ng Ebola at mas marami ang biktima kaysa official numbers na naitala ng WHO. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Namatay sa ebola virus sa W. Africa, nasa 1,990


No comments:

Post a Comment