Thursday, September 4, 2014

2 Pinoy, timbog sa droga sa UAE

HINDI pa man naililigtas sa hatol na kamatayan ang dalawng Pinoy sa Vietnam, isang Pinoy at Pinay na naman ang naaresto sa United Arab Emirates matapos mahulian ng drugs sa apartment ng mga ito.


Ang dalawang hindi pa pinangalanang suspek ay nahaharap sa kaso dahil sa drug possession at consumption.


Ayon sa Dubai police, naaresto ang babaeng suspek matapos ang raid sa kanyang apartment sa Muraqqabat area, habang ang lalaki ay nahulian naman ng shabu sa kanyang bulsa.


Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng General Department of Criminal Evidence at humaharap sa kaukulang kaso.


Una ng sinabi ng Palasyo na hindi nagkulang ang pamahalaan sa paalala sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa na mag-ingat sa mga modus operandi ng mga drug syndicate. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



2 Pinoy, timbog sa droga sa UAE


No comments:

Post a Comment