Thursday, September 4, 2014

Kakulangan ng karpintero, suliranin sa Leyte

AMINADO ang isang Catholic priest na malaking suliranin ngayon ng Archdiocese of Palo, Leyte ang pagkakaroon ng sapat na mga manggagawa o mga karpintero para sa kanilang mga rehabilitation projects para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.


Ayon kay Fr. Alcris Badana, Rehabilitation Coordinator ng Archdiocese of Palo, sa lawak ng pinsala ng bagyong Yolanda at dami ng mga proyekto ngayon sa Leyte ay nagkukulang na ang mga karpintero sa kanilang lugar.


Ilan aniya sa mga karpintero ng Archdiocese ay nagmula pa sa ibang lalawigan partikular na sa Mindanao sapagkat abala ngayon ang kanilang mga lokal na karpintero sa iba’t ibang mga proyekto.


Sinabi pa ng pari na prayoridad sana ng Archdiocese na mabigyan ng oportunidad ang mga lokal na residente upang makatulong na rin sa kanilang mga pangangailangan.


Kinumpirma naman ni Badana na maging ang mga mismong Pari sa mga parokya ay personal nang tumutulong sa kanilang mga pagawain upang agad na rin itong matapos at matugunan ang kakapusan sa mga karpintero.


Tiniyak naman ng Archdiocese of Palo na ang kanilang ginagawang rehabilitasyon para sa mga survivors ay hindi lamang dahil sa darating si Pope Francis sa bansa sa Enero ng taong 2015 kundi para mismo sa mga typhoon victims. Macs Borja


.. Continue: Remate.ph (source)



Kakulangan ng karpintero, suliranin sa Leyte


No comments:

Post a Comment