Thursday, September 4, 2014

Gilas binigo ni Barea

NABIGO na naman ang Gilas Pilipinas matapos ang 77-73 pagkaluhod sa Puerto Rico kagabi sa 17th FIBA World Cup sa Spain.


Hindi pa rin mahanap ng No. 34 Philippine national men’s team ang unang panalo sa apat na salang kaya naman sarado na ang pintuan ng round-of-16 sa kanila.


Umarangkada agad ang Puerto Ricans sa pagbubukas ng first canto, 6-0, subalit bumira naman ng 18-0 run ang Gilas upang iwanan ang kalaban 29-15 bentahe ng mga Pinoy squad.


Unti-unti naman hinabol ng Puerto Ricans ang Gilas sa third period sa pangunguna ni NBA veteran JJ Barea para payukuin ang Phl cagers.


Kumana si Barea ng 30 points upang magkaroon pa ng tsansa ang Puerto Rico na makalaro sa last 16 teams.


Si naturalized Andrey Blatche ang nanguna sa opensa para sa Gilis na may 25 points at 14 rebounds habang sinegundahan siya ni point guard LA Tenorio na tumipa ng 18 markers.


Si Barea na miyembro sa 2011 NBA champion Dallas Mavericks at ngayon ay nasa Minnesota Timberwolves na ay kumana ng 10 sa final 12 points ng Puerto Rico sa payoff period.


Samantala, may tsansa pang makatikim ng panalo ang Pilipinas dahil may natitira pa silang isang laro.


Haharapin ng Gilas ang Senegal ngayong alas-8 ng gabi. Elech Dawa


.. Continue: Remate.ph (source)



Gilas binigo ni Barea


No comments:

Post a Comment