KASALI sa lineup ng AMA Titans sa PBA D-League, ang sikat na matinee actor ma si Daniel Padilla.
Kinuha ng Titans si Padilla sa huling pick ng round 15 draft na ginawa ngayong Lunes sa PBA office sa Libis, Quezon City.
Pinabulaanan naman ni PBA D-League Director Eric Castro na hindi man kabilang sa mga nag-submit ng application si Padilla, meron pa rin itong karapatang makasali dahil enrolled siya sa nasabing eskwelahan.
Ayon sa AMA, hindi lang basta endorser ng naturang paaralan si Padilla kundi estudyante rin siya rito.
Magugunitang naglaro na sa ilang exhibition games ang ka-loveteam ni Kathryn Bernardo kasama ang ilang celebrities na nagpakita naman ng galing sa basketball.
Si Padilla ang pangalawa sa sikat na mga actor sa ngayon na maglalaro sa D-League kasunod ni Gerald Anderson, na tubong-Davao at kilala sa galing sa basketball noon bago sumabak sa show business.
Siya rin ang pangalawang celebrity ngayon na maglalaro sa Philippine basketball kasunod ni boxing champ Manny Pacquiao na magiging playing-coach ng Kia Motors sa PBA. REMATE.PH
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment