Wednesday, September 3, 2014

Bulkang Mayon muling nag-alburoto

MULING nag-alburoto ang bulkang Mayon matapos makapagtala ng tatlong pagyanig sa paligid nito kaninang umaga Setyembre 3, Miyerkules.


Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig, nakapagtala din ng isang pagguho ng bato mula sa taas ng bulkan.


Patuloy pa rin nakataas sa alert level 2 ang bulkang Mayon at ang magma nito ay nasa abnormal na kondisyon na maaaring mauwi sa pagsabog ng bulkan.


Bunsod nito, pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na maging mapagbantay at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometro-radius Permanent Danger Zone (PDZ) upang maiwasan ang panganib dala ng hindi inaasahan pagsabog nito.


Ang bulkang Mayon ay itinuturing na active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Bulkang Mayon muling nag-alburoto


No comments:

Post a Comment