Friday, September 5, 2014

2 LPA, magpapaulan sa Pilipinas – PAGASA

UULANIN ngayong araw ang malaking bahagi ng Pilipinas dahil sa umiiral na sama ng panahon sa bansa.


Ayon sa PAGASA, natukoy ang low pressure area (LPA) kaninang umaga sa layong 190 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales, habang ang isa pang LPA ay natukoy sa layong 690 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.


Bagama’t may kalayuan na sa kalupaan ng Pilipinas ang dalawang LPA ay makararanas pa rin ng pag-ulan ang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa mga local thunderstorms at epekto ng hanging habagat.


Partikuklar na makararanas ng makulimlim hangang sa maulan na panahon lalo na tuwing hapon ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Northern Mindanao at Caraga Region.


Sa ngayon ay malayo pa ang posibilidad na mabuo bilang ganap na bagyo ang dalawang LPA. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



2 LPA, magpapaulan sa Pilipinas – PAGASA


No comments:

Post a Comment