Friday, September 5, 2014

12 pasaherong nakasama ng Pinay nurse na may MERS-CoV, mino-monitor na

KINAKAILANGAN pa rin sumailalim sa swabbing ang 12 pasaherong kasama ng Pinay nurse na positibo sa MERS-CoV.


Sa kasalukuyan, mino-monitor na ng Department of Health (DoH) sa Zamboanga Peninsula ang 12 pasaherong nakasama ng Pinay nurse na nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV).


Nabatid sa ulat na 10 sa mga ito taga-Zamboanga City habang taga-Zamboanga Del Sur ang isa at tubong-Basilan ang isa pa.


Ayon kay Dr. Nuvie Taruc-Jalani, hepe ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, kumpirmadong kasama sila ng nurse sa flight mula Damman, Kingdom of Saudi Arabia.


Batay sa inisyal na pakikipag-usap sa mga ito, wala silang nararamdamang sintomas ng MERS-CoV.


Gayunman, kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa swabbing sa pinakamalapit na ospital bilang bahagi ng standard operating procedure (SOP). Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



12 pasaherong nakasama ng Pinay nurse na may MERS-CoV, mino-monitor na


No comments:

Post a Comment