Thursday, September 4, 2014

Team Azkals wagi sa Chinese Taipei, 5-1

SIGURADO na sa championship round ang Philippine National Football team Azkals matapos tambakan ang Chinese Taipei sa socre na 5-1 sa Peace Cup na nagaganap sa bansa.


Unang naka-score si Rob Gier sa ika-24 minuto at nagsilbing opening goal para sa Pilipinas.


Sinundan ito ni James Younghusband sa ika-37 na minuto.


Pansamantala namang inihinto ang laban sa ika-57 minutes dahil sa malakas na ulan.


Pagbalik ng laro ay nadagdagan pa ang score sa ika-65 minutes.


Ginawa naman ni Mark Hartmann ang ika-apat na puntos sa 74th minute.


Gayunman naka-goal naman ang Chinese Taipei sa pamamagitan ni Yen Ho-Sen sa ika-80 minuto at naging 4-1 ang score.


Dalawang minuto bago ang pagtatapos ay naka-goal pa si Hartmann at nagtapos ang laro sa score na 5-1.


Dahil dito, makakalaban ng Azkals sa Sabado ang Myanmar na tumalo sa Palestine.


Nabatid na ang Palestine ang tumalo sa Pilipinas sa championship round ng AFC Challenge Cup sa Maldives. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Team Azkals wagi sa Chinese Taipei, 5-1


No comments:

Post a Comment