Thursday, September 4, 2014

Sec. Abaya, sinermunan ni Rep. Atienza

NAKATIKIM ng sermon mula sa ilang kongresista si Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya dahil sa palpak na pagpapatakbo sa Metro Rail Transit (MRT-3) , Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR).


Sinamantala ni BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza ang pagkakataon upang sermunan si Abaya at kwestyunin kung bakit hindi humingi ng mas malaking budget noong 2013 upang maisaayos ang operasyon ng MRT, LRT at PNR na siyang mga pangunahing transportasyon sa bansa.


“Why are you not asking for a bigger budget to restore this? It has practically no budget for 2014. You are neglecting a very essential mode of transportation in Metro Manila,” tanong ni Atienza.


Dismayado si Atienza sa pagkasira ng mga elevators at escalators ng MRT at LRT na maaaring magamit sana ng mga commuters, lalo na ng mga senior citizens.


Maging ang ginagawang paghihintay ng DOTC sa spare parts ng MRT mula sa ibang bansa gayung maaari naman aniyang pagtiwalaan ang mga local engineers at manufacturers na siyang mag-supply nito.


Binigyang-diin ni Atienza na makabubuting ibasura na ang kontratang pinasok ng MRT gayung hindi naman aniya matugunan ang pangangailangan ng mga commuters.


“Kung marunong lang mangulam ang mga sumsasakay ng MRT, matagal na kayong kinulam sa hirap na dinaranas nila araw-araw,” ani Atienza.


Ipinaalala rin ng kongresista na pagtiwalaan sana ng DOTC ang mga Pinoy Engineers at katulungin sa pagresolba sa palpak na operasyon at kasiraan ng MRT, LRT at PNR.


“Why should our people suffer and wait for these foreign parts when we should be relying on our local engineers and manufacturers to supply these parts? Filipinos are known worldwide for our ingenuity, even being dubbed as magicians for our ability to make even 50-year-old jeepneys run,” sinabi pa ni Atienza. Meliza Maluntag


.. Continue: Remate.ph (source)



Sec. Abaya, sinermunan ni Rep. Atienza


No comments:

Post a Comment