Friday, September 5, 2014

Sa selos, misis 31 beses tinarakan ni mister

KRITIKAL ang isang misis nang 31 beses saksakin ng gunting ng mister nito sa Bgy. Japitan, Barili, Cebu.


Ayon kay SPO4 Elsa Albuera ng Barili Police Station, nasa kritikal na kondisyon pa ang biktima sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC).


Aniya pa, unconscious pa ang biktima at kailangan pa nitong gamitan ng apparatus bunsod sa malubhang sugat nito.


Nagtamo ng walong saksak sa braso, anim sa dibdib at 17 sa tiyan ang biktima.


Nagpapatuloy pa naman sa ngayon ang hot pursuit operation laban sa suspek.


Batay sa imbestigasyon, selos umano ang nag-ugat sa naturang pananaksak.


Ang biktima na si Maria Alquizar Montemayor, 23, ay nakita ng kanyang mister na si Miguel Montemayor na lumabas sa kuwarto ng kanyang kapatid na babae.


Dahil dito, tinanong ito kung ano ang ginawa nito sa loob at doon na nagtalo ang mag-asawa.


Kamakailan umano ay nagduda ang mister na may relasyon ang kanyang misis sa mister ng kanyang kapatid na babae. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Sa selos, misis 31 beses tinarakan ni mister


No comments:

Post a Comment