NEGATIBO mula sa Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV) ang Pinay nurse na kauuwi lamang sa Pilipinas mula sa Saudi Arabia at unang napaulat na nagtataglay ng naturang nakamamatay na sakit.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee-Suy, tagapagsalita ng Department of Health (DoH), lumitaw sa confirmatory test sa Pinay nurse na negatibo na ito mula sa MERS-CoV.
“As of now, the Philippines remains to be MERS-CoV-free,” masayang anunsyo pa ni Lee-Suy, na siya ring program manager ng DoH Emerging and Re-emerging Infectious Diseases.
Kaugnay nito, kahapon ay pinayagan nang makalabas ng Southern Philippines Medical Center sa Davao City ang Pinay nurse, gayundin ang kanyang mga kaanak.
Matatandaang ang naturang nurse ay dumating sa bansa noong Agosto 29, lulan ng Saudi Airlines Flight SV870 mula sa Dammam.
Sumailalim siya sa screening test para sa MERS-CoV bago umalis ng Middle East ngunit hindi hinintay ang resulta ng pagsusuri.
Pagdating sa bansa ay sumakay muli ang nurse sa Cebu Pacific flight SJ997 patungong General Santos.
Sinabi naman ng DoH na matapos na magnegatibo ang Pinay nurse sa MERS-CoV ay ititigil na nila ang isinasagawang contact tracing sa may 400 pasahero na nakasabay nito sa kanyang biyahe. Macs Borja
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment