TINANGAY ng mga armadong kalalakihan ang isang passenger van na may sakay na limang titser sa Lamitan City sa Basilan province kaninang umaga, Setyembre 4.
Sinabi ni Lamitan City acting police chief Sr. Insp. Gean Gallarado, na mabuti na lang at ang pampasaherong van lamang ang tinangay ng mga suspek.
Nagkanya-kanya naman sa pagtakbo sa bahay ng mga residente sa lugar ang apat na babae at isang lalaking titset nang pababain sila ng mga suspek.
Dinala naman agad sa presinto ang mga biktima para sa kaukulang debriefing.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8 ng umaga sa national highway ng Barangay Baas, Lamitan City.
Bago ito, lulan ang mga biktima sa isang pampasaherong van na papuntang Tipo-Tipo town nang parahin ng mga suspek.
Sinabi ng mga biktima na para silang nabunutan ng tinik nang malaman na ang naturang van lamang ang pakay ng mga suspek.
Nalaman naman kinalaunan na ibig lamang makaganti ng mga suspek sa may-ari ng naturang van dahil may atraso sa kanila.
Tiniyak naman agad ng awtoridad ang seguridad para sa mga titser dahil patuloy ang pag-atake ng Abu Sayaff sa lugar. Robert Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment