Saturday, September 6, 2014

One truck lane policy, hindi sanhi ng traffic sa NLEX – MMDA

ITINANGGI ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang one truck lane policy na ipinatutupad ng ahensya ang siyang dahilan ng matinding trapik sa southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEx) hanggang A. Bonifacio Avenue.


Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, tanging sa C-5 road lamang ipinatutupad ang one truck lane policy at wala silang alam sa ipinatupad na kahalintulad na polisiya sa NLEX at A. Bonifacio sa Caloocan.


Sinabi ni Tolentino, limitado lamang ang mga bukas na gate sa Port of Manila dahilan upang mag-ipon ang mga truck na kukuha ng mga container upang maibsan ang pagsisikip sa mga pantalan.


Magugunitang inihayag ng pamunuan ng NLEX na ang one truck lane policy ng MMDA at ng Manila City Government ang sanhi ng siyam na kilometrong traffic sa NLEX ngunit kalauna’y binawi rin ito. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



One truck lane policy, hindi sanhi ng traffic sa NLEX – MMDA


No comments:

Post a Comment