Thursday, September 4, 2014

Nancy Binay, binuweltahan si Trillanes

MARIING binatikos ni Senadora Nancy Binay si Senador Antonio Trillanes kaugnay sa pahayag nitong si Vice-President Jejomar Binay ang nasa likod ng tangkang pagpapasabog sa NAIA Terminal-3 kamakailan.


Naging katawa-tawa umano ang akusasayon ni Trillanes, na baka pati ang pagkakapatay kay Dr. Jose Rizal ay ibintang sa kanyang ama.


Sinabi ng Senadora, hindi ito gawain ng kanilang pamilya bagkus, mas gawain ito ni Senador Trillanes bilang isang dating miyembro ng sandatahang lakas ng bansa.


Naunang sinabi ni Trillanes na ini-uugnay aniya siya ng mga Binay gayundin ang Grupong Magdalo sa nabulilyasong pagpapasabog sa upang pagtakpan ang usapin ng overpriced parking building ng Makati City Hall Annex na kasalukuyang iniimbestigahan ng senado.


Giit ni Binay, hindi na nila kailangang gumawa ng ganoong mga hakbang at hindi kailangang ilihis ang atensyon ng publiko dahil wala pa namang napatutunayan sa mga alegasyong ipinupukol sa kanyang amang si Vice-President Jejomar Binay. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Nancy Binay, binuweltahan si Trillanes


No comments:

Post a Comment