Saturday, September 6, 2014

‘Karding,’ nakalabas na ng Phl, bagong LPA palapit ng bansa

NAKALABAS na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Karding pero isa na namang bagong namumuong sama ng panahon ang papalapit sa Pilipinas.


Ayon sa ulat ng PAGASA, nitong gabi ng Sabado nang tawirin ng tropical depression Karding ang PAR line patungo sa West Philippine Sea.


Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 540 kilometro sa kanluran hilagang-kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.


Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna.


Kumikilos ito nang pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 13 kph.


Sa kabila nito, nananatiling lantad sa mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa mga kaulapang naiwan ng nagdaang bagyo. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Karding,’ nakalabas na ng Phl, bagong LPA palapit ng bansa


No comments:

Post a Comment