Friday, September 5, 2014

Ice bucket challenge na lang daw muna…saka na ang kasal!

PAULIT-ULIT na lang ang tanong kay Zanjoe Marudo kung kailan sila pakakasal ni Bea Alonzo. Sa presscon ng “Maria Leonora Teresa” ay tinanong din siya kung makikiuso siya sa wedding proposal ngayon sa showbiz.


“Sa ice bucket challenge lang kami nakiuso. Pero pinaghahandaan ko po, pinaghahandaan ko po ‘yung ganoong bagay. Dahil alam ko naman na usung-uso ang mga ganoong bagay. Meron din namang binabagayan ‘yon, ‘di ba? Pero hindi naman porke ginagawa ‘yon ng iba, kahit hindi pa ready gagawin mo na. “Siguro pagdating ng tamang panahon. Mangyayari at mangyayari ‘yon,” deklara niya.


Wala pa raw space para pag-usapan nila ang kasal.


Isang Closet Queen ang role ni Zanjoe sa “Maria Leonora Teresa”. Madalas raw ang pagtili niya sa mga eksena dahil talaga namang nakatatakot.


Tatlo kasi sila nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria na namatayan ng anak at hindi maka-move on. Dinaan na lang nila sa pag-aalaga ng manika. Itinanggi naman ng production na ibinase ang pag-aalaga ng manika sa isang aktres.


-0o0-

Walang conflict sa OPM group nina Ogie Alcasid ang pagtalaga sa kanya bilang executive committee on music ng National Commission on Culture and Arts (NCCA).


Magkakatulungan pa raw sila upang mabigyan ng solusyon ang music industry.


Nanumpa na si Jed sa nasabing posisyon.


“After na manalo ako sa international singing competition, doon ko na-notice na full support ang government natin pagdating sa sports at beauty contests. But when it comes to music and the arts, for me, personally, gusto ko lang ipaabot sana sa government na let’s also look sa arts where Filipinos excel. Siguro, naiisip ko rin na hindi nila masyadong pinapansin or they take it for granted kasi iniisip nila na lahat tayo magagaling mag-perform. So it’s nothing to them,” bulalas ni Jed nang humarap siya sa press para sa kanyang concert na All Requests 2 na gaganapin sa Music Museum sa September 12.


Hangad ni Jed na bigyan ng gobyerno ng pondo ang mga musikerong sumasali sa international singing competisyon. Kanya-kanya kasing diskarte ang mga sumasali na makalikom ng pondo at pag nananalo ay dala-dala na niya ang Pilipinas sa kanyang tagumpay.


Anyway, abala na si Jed sa preparasyon sa kanyang concert na ‘All Request 2’. Ayaw niya ang konseptong repeat dahil maraming bago siyang ipakikita.


“As much as possible, ayokong ulitin. Lalo na kasi alam kong maraming regular na nanonood. That’s also the reason why we call it All Request 2. Sa title pa lang, ibahin na natin. There are some songs na tatanggalin sa una na hindi masyadong na-feel ng tao. Tapos maglalagay kami ng bagong songs,” sey niya.


Bukod kay Jed, sa part 2 ay may mga guests na siya. Una na rito ang The Voice Kids finalist na si Darren Espanto kung saan magkakaroon sila ng voice showdown.


Nabibitin kasi sila sa ASAP kaya nga ngayon ay todo ang showdown ng dalawa.


Nandiyan din ang Y Fi, na taga-Davao, at grand champion winner performers of the world for 2014 sa WCOPA, ang Extreme Dancers mula sa Koronadal.


Talbog!


-0o0-

For Bet ng Bayan po, magkakaroon po si Regine Velasquez ng Kapuso Fans Day sa General Santos City.


Sa September 5 po ito ng 6pm sa Events and Convention Center, KCC Mall of GenSan. XPOSED/Roldan Castro


.. Continue: Remate.ph (source)



Ice bucket challenge na lang daw muna…saka na ang kasal!


No comments:

Post a Comment