KINALAMPAG ng may 100 empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang tanggapan ng Civil Service Commission Field Office na nasa DENR central office sa Diliman, Quezon City kaninang tanghali, Setyembre 3, Miyerkules.
Binatikos ng mga empleyado ng DAR si CSC Director Hans R. Alcantara na naka-base sa DA/DENR Field Office dahil sa hindi pagbibigay ng appointments at benipisyo sa may 869 empleyado ng DAR.
Ayon kay Naneth Pascual, presidente ng unyon ng Department of Agrarian Reform Employees Association (DAREA) karapatan ng mga empleyado ng DAR na mabigyan ng appointment at kaakibat nito ay ang karampatang benipisyo matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa gobyerno.
Dakong 12:00 ng tanghali, nagprotesta ang mga empleyado ng DAR dahil umano sa hindi pagbibigay sa kanila ng appointment ni Alcantara na ipinagkait pati ang nararapat na benipisyo na dapat sanang tanggapin ng mga empleyado ng ahensya gaya ng transportation allowances at iba pang mga benipisyo bilang kawani.
Nabatid pa sa mga empleyado ng DAR na mahusay naman nasunod ng mga kawani at empleyado ang ipinag-uutos ng Executive Order 366 o ang Rationalization Plan at ang R.A. 6656 guidelines para sa pagpapatupad ng appointments at benipisyo ng mga kawani.
Binatikos din mga kawani na bukod sa kawalan ng benipisyo, ipinagkait din sa mga empleyado ang pagtataas sa sahod ng mga ito. Santi Celario
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment